and2 n nmn aq...hehe..dhil wlng magawa s buhay...ngcompose aq ng kanta...e2 na...wag kau maiiyak!!!
dapithapon
by: takipsilim0109
hinahanap ka na Niya
paano kita itatago
ngayon na ba ang tamang oras
upang ika'y lumayo
hindi ko naman Siya masisisi
alam ko naman ang nararapat
di na ba maaaring manatili
nang mas konti pang panahon
*pagsapit ng dilim
lahat ay magbabago
marahil ikaw ay lalayo
sa aking piling
mawawala na ng tuluyan
ang mga tala sa langit
nagbabantay sa ating huling sandali
sa iyong pamamaalam
ang tangi kong inaasam
wag ka muna Niyang kunin
mula sa akin
milagro ang tangi kong pag-asa
upang tayo'y magsama pa
bakit pa nga ba kailangan
lahat ng bagay ay tuldukan
kaya sa 'yong paglayo
dalhin mo ang puso ko
sa pagtatapos din ng agos ng aking buhay
susundan kita sa kabilang buhay
sa pagtatapos ng araw
handa na akong mawalay
sa mga nagdaan nating kahapon
ngayon na ang huli nating dapithapon...
Monday, June 11, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments:
Post a Comment